Saturday 14 May 2011

Si Ate at si Auntie

Ngayon ko lang napatunayan na kahit saan ka pumunta, may mga kapwa tayo Pilipino na hindi maiwasan ang masamang ugali. Naranasan ko to sa trabaho ko mismo. Si ate, na medyo matagal na sa company na pinagtatrabahuhan ko. Immediate superior ko si ate, syempre bago sa trabaho kaya medyo nangangapa pa, etong si ate, aba imbes na sabihin sa akin kung ano yung tama, pinagalitan pa ako at sinikmat sikmat dahil sa maliit lang na mali kung nagawa. pwede niya naman sabihin sa akin ng maayos pero iba ang pinakita niya. Si Auntie naman, hindi ko inaasahan ang kagandahang loob na pinakita sa akin at sa ibang Pilipino sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, matulungin si Auntie sa mga bagong Pinoy. At isa ako sa mga natulungan niya, naturuan ng mga tamang gagawin sa trabaho. Maramaing local ang galit sa mga Pilipino sa maraming dahilan.Akala ko lahat sila galit sa mga Pinoy, hindi pala. minsan mas ok pa nga sila kaysa sa kapwa natin Pilipino..
Sayang..kung sino pa yung kababayan mo na dapat kakampi mo eh kagaslawan agad ng ugali ang ipinakita...Sayang..


3 comments:

  1. yown oh. sumbong kita ke ate.

    san ka pala sa yishun?

    at welcome pala sa sg.

    ReplyDelete
  2. sama ka minsan sa amin, nagkikita kita kame ng mga blogger dito sa sg. pasyal ka sa blog ko for more details. lol.

    ReplyDelete