Saturday 14 May 2011

Singapore PC Show June 2011



THE SINGAPORE PC SHOW 2011 CLICK HERE FOR MORE DETAILS


Si Ate at si Auntie

Ngayon ko lang napatunayan na kahit saan ka pumunta, may mga kapwa tayo Pilipino na hindi maiwasan ang masamang ugali. Naranasan ko to sa trabaho ko mismo. Si ate, na medyo matagal na sa company na pinagtatrabahuhan ko. Immediate superior ko si ate, syempre bago sa trabaho kaya medyo nangangapa pa, etong si ate, aba imbes na sabihin sa akin kung ano yung tama, pinagalitan pa ako at sinikmat sikmat dahil sa maliit lang na mali kung nagawa. pwede niya naman sabihin sa akin ng maayos pero iba ang pinakita niya. Si Auntie naman, hindi ko inaasahan ang kagandahang loob na pinakita sa akin at sa ibang Pilipino sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, matulungin si Auntie sa mga bagong Pinoy. At isa ako sa mga natulungan niya, naturuan ng mga tamang gagawin sa trabaho. Maramaing local ang galit sa mga Pilipino sa maraming dahilan.Akala ko lahat sila galit sa mga Pinoy, hindi pala. minsan mas ok pa nga sila kaysa sa kapwa natin Pilipino..
Sayang..kung sino pa yung kababayan mo na dapat kakampi mo eh kagaslawan agad ng ugali ang ipinakita...Sayang..


4:55 PM May 11, 2011 Changi Airport WELCOME TO SINGAPORE

Ang unang araw ko dito sa Singapore.. Mixed feelings ang aking nararamdaman kasi wala ako kakilala. Mag isa lang akong pumunta dito. Wala din sumumndo sa akin sa airport. Bahala na, may tutuluyan naman ako kaya lang nasa trabaho siya kaya hindi ako masusundo. Madali lang naman daw bumiyahe dito basta't marunong kang magbasa. Sa awa ng Diyos, nakarating ako ng Yishun, mag isa, ng maayos...Eto na ang simula..ang simula ng buhay OFW. . buhay na malayo sa pamilya..kaya ko 'to..kakayanin ko to para sa pamilya ko...